Advertisers
Binisita ni Senator Bong Go ang Malasakit Center na nasa Lung Center of the Philippines sa Quezon City. Namahagi rin siya at ang kanyang Malasakit Team sa ilang mga pasyente at mga kaanak ng mga ito na nakapila sa Malasakit Center para makahingi ng medical assistance.
Naimbitahan si Senator Bong Go, Chair ng Senate Committee on Health, 42nd Anniversary – Service Awards and Recognition Event ng Lung Center of the Philippines ngayong araw. Ang paanyaya para sa okasyon ay ipinaabot kay Senator Kuya Bong Go ni Dr. Avelino de Chavez, ang Anniversary Chair. (CESAR MORALES)