Advertisers
TUTULAK patungong Vietnam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na linggo.
Sa pre-departure briefing sa Malacañang, sinabi ni Assistant Secretary Aileen Mendiola Rau ng Office of the Asian and Pacific Affairs na ang state visit ni PBBM ay aarangkada sa Lunes, Enero 29.
Ngunit overnight lamang ito at babalik agad sa bansa ang Pangulo kinabukasan ng gabi o Enero 30.
Sinabi ni Rau na inaasahan ang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Marcos at Vietnam President Vo Van Thuong.
Maliban dito, inaasahan ding pag-uusapan ng dalawang lider ang iba’t ibang usapin, kabilang na ang malalim na kooperasyon ng dalawang bansa, kasama ang pagtataguyod sa pamumuhunan at kalakalan. (Gilbert Perdez)