Advertisers

Advertisers

Palasyo kay Bato: Sumuko ka na!

0 27

Advertisers

fr

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

NANAWAGAN ang Malacañang kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na kusang sumuko upang maiwasan ang posibleng pagdanak ng dugo sa isinasagawang operasyon para sa pag-aresto sa kanya.




Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro kasunod ng babala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng maging madugo ang pag-aresto sa senador dahil umano sa proteksiyong ibinibigay sa kanya ng isang armadong grupo.

Tinawag ni Castro na nakababahala ang naturang sitwasyon, na aniya ay maaaring magdulot ng banta sa pambansang seguridad.




Tumanggi naman ang opisyal na pangalanan ang grupong umano’y kumukupkop kay Dela Rosa, dahil hindi pa siya awtorisadong maglabas ng impormasyon habang nagpapatuloy ang operasyon.

Binigyang-diin ng Palasyo na ang mga grupong humahadlang sa pagpapatupad ng batas ay nakasisira sa mga institusyon ng bansa.




Binalaan din ni Castro ang sinumang kumukupkop sa senador na huwag maging instrumento upang makaiwas sa proseso ng batas ang mga taong kailangang managot.

Iginiit ng Malacañang na dapat manaig ang rule of law, sundin ang legal na proseso at ipatupad ang nararapat na aksiyon laban sa mga taong may kinakaharap na legal na obligasyon. (Gilbert Perdez)