Advertisers

Advertisers

PBBM hinimok ng Kamara ideklarang persona non grata si Jing Quan

0 30

Advertisers

HINIKAYAT ng ilang mambabatas sa House of Representatives si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan o hilingin sa China ang kanyang pagpapabalik dahil sa mga kontrobersiyal na pahayag nito.

Sa House Resolution No. 1562, na inihain ngayong araw Miyerkules, Oktubre 21, 2026, ng mga mambabatas na sila Rep. Dadah Kiram Ismula, Rep. Jose Manuel Diokno, Rep. Percival Cendana, Rep. Kaka Bag-ao, Rep. Leila de Lima, Rep. Ziaur Alonto Adiong, Rep. Mark Anthony Santos, Rep. Karl Leagzpi, Rep. Cielo Lagman at Rep. Adrian Micahel Amatong, binatikos ng mga mambabatas ang pahayag ni Jing tungkol sa paggamit ng puwersa at ang umano’y mapanindak na mga pahayag ng Chinese Embassy laban sa mga kritiko nito.

Binanggit din sa resolusyon ang mga insidente sa West Philippine Sea, kabilang ang umano’y paggamit ng water cannon laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at pagpasok ng Chinese fishing vessel sa karagatang sakop ng bansa nang walang pahintulot.




Ayon sa mga mambabatas, kailangang manindigan ang pamahalaan upang maprotektahan ang soberanya at seguridad ng Pilipinas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">