Advertisers

Advertisers

BAGONG MANDATO NI PANGULO JUNE NAVARRO

0 5

Advertisers

SADYANG maikli ang isa o dalawang termino para sa isang mahusay at matapat na liderato.

Patunay ito sa isang prestihiyosong samahan ng mga mamamahayag sa larangan ng sports na may mahusay at masasandigan na pamunuan.

Ang PSC-POC Media Group ay kumokober at kumokronikel ng mga kaganapan sa mga pakikibaka, kagitingan man o kabiguan ng mga atletang Pinoy sa lokal at internasyunal na eksena pati na rin sa mga sports leaders ng bansa at opisyales ng bawat national sports associations.



Nagtipon kamakailan ang mga miyembro ng media group sa Gloriia Maris ,Greenhills sa okasyong ekstensyon pa ng nakaraang Christmas season.Dahil full-force ang dating ng mga miyembro kung kaya may quorum upang idaos ang pormal na basbas ng. ‘fresh madate’ kay Pangulo June Navarro matapos ang kanyang report sa PSC-POC Media Group sa estado nito sa kanyang timon mula noon pang bago pandemya hanggang sa mga sandaling iyon.

Dahil sa kanyang tapat. patas at very transparent na pamumuno ay pormalidad na ang pagkakaloob kay Pinunong June ng panibagong mandato via acclamation ng buong grupo na walang isa mang kumontra patunay ito ng kanilang buong pagtitiwala sa kanyang timon para sa panibagong termino bilang Pangulo.

Ibig sabihin ay tuloy ang mga makabuluhang proyekto ng kanyang liderato na suportado ng lahat ng miyembro.

Isang galamano ng pagpupugay at pagbati mula sa korner na ito sa ating pinagpipitagan…all the best para sa da best Pangulo June Navarro!

Lowcut: Shoutout sa mga ka- DRFLAM worldwide sa pangunguna ni FFCI ,pandaigdigang pangulong Dong Batalan.Admin Alyssa Dy at mga very trusted men na sina BhonBhon,Bennoks at kay dj Lemmor CreAtion( ang tinig ng DrFLAM) kina Sonnie Aguilar,Jr.,Sameera Aguilar ng FFCI Dubai,Clarita Dimayuga FFCI Laguna,Emz Pascual FFCI HK,Lorry Pasicolan FFCI VP Taiwan,Nina Fruscio,Sharon Judan Pajarito FFCi Macau,Jason Agoncillo-FFCI Mindoro Oriental,Janice Pascua,Wilma Masapol FFCI Abu Dhabi ,Liza Ninada Alvarez,Vincebt Cedana FFCI USA,Karen Whitmore,Venus Buenavista,Maya Lhea Binamira FFCI Japan,Janeth Agungay Barona,Rima Agongay Dayag at Tarlacqueña Rosaline Lemee ng FFCI Switzerland.Of course Kay Se Mi Di Speranza Foundation chairman Chilitita Cabatingan. MABUHAY KAYO!