Advertisers

Advertisers

AERIAL VOYAGER MENESES IMBITADONG TAMPOK NA PANAUHIN SA NUCAA OPENING

0 2

Advertisers

INIMBITAHAN bilang tampok na panauhin si public servant/ sportsman Bulakan ,Bulacan Mayor Vergel Meneses sa pagbubukas ng National Universities and Colleges Athletic Association( NUCAA) Season 2 sa Ynares Sports Center ,Pasig City sa Pebrero 24,2024.

Si Meneses na kilala ng madla bilang ‘Aerial Voyager’ PBA superstar / legend dahil sa kanyang estilong literal na lumilipad sa opensa to the hoop kahambing ng tinaguriang ‘Skywalker’ na PBA superstar ding si ( late) Avelino ‘ Samboy’ Lim.

Si Meneses na produkto ng Jose Rizal College( University) Heavy Bombers bilang player kalaunan ay naging head coach ng kanyang alma mater bago naging halal na alkalde ng Bulakan ,Bulacan ay aktibung-aktibo ang pagpapa-asenso ng sports sa grassroot level.



Samantala,nasa pitong koponan na ang kumpirmadong paparada sa pag-arangkada ng (NUCAA) Second Season .

Ayon kay NUCAA Executive Director Leonardo Andres, nangunguna sa talaan ang defending champion PCCR kasunod ang IIHIS, ICCT, SPC BA, RTU, ELECTRON at AIMS na tinatayang madaragdagan pa bago ang deadline ng team confirmation ng liga.

Ang mga kinatawan ng mga nabanggit na koponan ay dumalo sa nakaraang managers, coaches,sports coordinators at league officials meeting na pinangunahan ni NUCAA Chairman / CAB Executive Director Atty.Carmelo Arcilla sa Pasay City.

Nasa pulong din sina NUCAA VP Red Dumuk,deputy Executive Director Arlene Rodriguez,Treas.Bang Tumapat at Technical official JM Bernarte. (Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">