Advertisers

Advertisers

Mga Pagbabago sa Ating Buhay

0 91

Advertisers

Ni NICK NANGIT

NITONG ika-20 ng Enero 2024, ang planetang Pluto ay nakontento na sa konstelasyong Aquarius, matapos ang pagsasalisi noong isang taon sa nasabing konstelasyon at sa konstelasyong Capricorn.
Ano ang ibig sabihin nito?

Dala ng Pluto ang pagbabago. At dahil nakaturo na ito sa Aquarius, anumang pagbabago ay hindi magiging makasarili. Mararamdaman nating lahat, kahit saang parte ka pa ng mundo, na maghahangad tayo ng kalayaan patungo sa ikabubuti ng karamihan, at hindi ng iilan.
Huling nangyari ang kaganapang ito noon pang 1789. Ito ang naging simula ng maraming pagbabago sa Panahon ng Pisces. Napalitan ang monarkiya ng demokrasya, kasama ang mga sistemang pang-ekonomiya, kalakalan, at kaperahan. Umusbong ang mga makina na nagpabilis sa produksyon. Nagkaroon din ng maraming hidwaan, kasama ang pagbabago ng mga sistemang politikal ng mga bansang nasakop o nakalaya.

Sa panahon ngayon na tatagal hanggang 2044 (bago ito lilipat sa Pisces at magbabalik lamang sa Aquarius pagkatapos ng higit 200 taon), maraming magaganap sa teknolohiya, lalo na sa tinatawag na Artificial Intelligence o AI.
Para sa mga fire signs na Aries, Leo, at Sagittarius, magkakaroon ng panibagong samahan at simulain. Para sa mga earth signs na Taurus, Virgo, at Capricorn, maraming ideya na isasakatuparan, para sa paglago ng seguridad sa pamilya. Para sa mga air signs na Gemini, Libra, at Aquarius, lalawak ang pananaw na mas aangkop sa pinagdaraanan ng pamilya at komunidad. At para sa mga water signs na Cancer, Scorpio, at Pisces, mas gagana ang intuwisyon, para mabigyang tuon ang kaperahan at tiwala. Lahat ito magaganap sa loob ng humigit kumulang 20 taon.
Pansinin natin na nagsimula na ito.

Kamakailan lamang ay nagsara na ang pag-eere sa telebisyon ng CNN Philippines. Subali’t ito’y magsisimula na sa ika-4 ng Pebrero at mapapalitan na ang pangalan ng RPTV.
Pamumunuan ang pagbabago sa free TV Channel 9 ni Manny Pangilinan bunga ng kasunduan nito sa Nine Media ng mga Cabangon. Mukhang bubuhayin muli ang orihinal na pagkakakilanlan sa estasyon na dati’y isang network ng pamahalaan.

Ayon sa mga bubwit, ang pangunahing maglalagay ng laman sa RPTV ay ang kasalukuyang TV5. Ibig sabihin, mapapanood na rin dito ang mga popular na programa nito, gaya ng Eat Bulaga, larong PBA, at ang mga sitcom nina Tito, Vic, at Joey. Pinag-uusapan pa ang pagpapalabas din ng primetime newscast nitong Frontline at ng iba pang programang balita. Kitang-kita na kasama sa pagbabago ang mapanood ito ng mas higit na nakararaming Pinoy, dahil malawak talaga ang sakop ng dating RPN9.

Isa ring halimbawa sa epekto ng Pluto sa Aquarius ay yung pelikulang My Sassy Girl. Ito’y kuwento ng pag-iibigan nina Junjee at Sheena. Magkasalungat ang kanilang personalidad pagdating sa mga tradisyonal na katangian pagdating sa kalalakihan at kababaihan sa mga Asyanong lipunan.
Isang adaptasyon ito ng 2001 pelikulang Koreano na nag hit, at ginagampanan nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera (na alam nating lahat ay hindi kasinglaki ang pangalan kumpara sa mga leading men na kadalasang kinukuha). Kitang-kita rin dito ang pagbabago ng pananaw ng mga prodyuser na inilalagay ang mga bagong mukha sa pinilakang-tabing at ang aasahan nating mas katanggap-tanggap sa masa sa mga tema rin ng pagbabago.
Marami pa yan. Abangan na lamang natin.

Sa kasalukuyan, mag Subscribe na, iLike, at Share ang channel ko sa YouTube na Nickstradamus Nickstradamus. Libre lang po yan.
Marami kayong aral na mapupulot tungkol sa parehong kababalaghan at batas, lalo na ang mga babantayan sa pagpasok ng Chinese New Year.

Masaya lagi ang kuwentuhan ng mga Kabunganga Nicksters sa buong mundo na umaabot ng 12 oras. Makisali rin, para magkaroon ng mga bagong kaibigan.
Hanggang sa muli, Light Love and Life, lalung lalo na kay R, Namaste!