Advertisers
Talk of the town…usap-usapan…pinatatalunan! Ito ang trending na bokabularyo ngayon sa mainstream media at social media. Sa mga hindi nakakaintindi ng mga ipinagbabawal na droga, itong fentanyl at cocaine ay may hindi naglalayong epekto sa utak at katawan ng tao. Ang pagkakaiba lang ay ang fentanyl ay synthetic opioid samantalang ang cocaine ay tunay na droga na galing sa coca leaves. Samantala, ang kanilang pamamaraan para sila ay makamtan o makamit ng ligal, nag doctor na may S2 license lang ang puedeng magreseta nito.
Nuong ako ay researcher/writer sa PC Constabulary Anti-Narcotics Unit (PC CANU) nuong past 70s, minarapat kong kumuha ng i-service training na Anti-Narcotics Investigation Course sa Camp Bagong Diwa, sa Lower Bicutan, Taguig City para malamaman kong maigi ang kasaysayan ng mga ipinagbabawal na droga, mga katangian nito, epekto nito sa katawan ng tao at higit sa lahat ang batas na nagbabawal sa paggamit nito at ang possession at distribution nito.
Ang PC CANU ang otoridad sa pagpapatupad ng Dangerous Drugs Law kasama ang National Bureau of Investigation. Mula sa mga batikang imbestigador ng NBI at PC CANU nabuwag ang kaunaunahang Chinese drug clandestine laboratory sa bansa…dito nagmula ang pagsikat ng salitang “death by musketry” o “firing squad at ang salarin, si Gan So Sou alias “Lim Seng”. Sa Fort Bonifacio siya isinalang para mahatulang ma-firing squad. Kudos sa liderato ni dating PC Brig. Gen. Bienvenido Lasam Felix, ang kauna-unahang hepe ng PC Canu na hindi naglubay hangga’t hindi nahuhuli at masintensiyahan ng military court si Lim Seng…Martial Law nuon !
Ang cocaine na galing sa dahon ng coca plant ay mapait na mala-kristal na kemikal at ito ay mabisa sa sakit sa katawan tulad ng mga may tama ng bala sa katawan kapag nasubo sa armed encounter. Mabisang pain killer, agaran ang epekto at ang gumamit ay may kakaibang maligaya o malagihay na pakiramdam na kung sabihin ng mga addict dito : I am high ! Kakaibang pakiramdam…lutang ang isipan na parang nakawala sa ere, malayo sa mundong ibabaw.
Ang fentanyl, na isang synthetic opioid narcotic analgesic ay para rin sa dagliang lunas sa matinding sakit sa katawan na ang epekto ay parang morpina o morphine na galing sa halamang opium poppy. Halos di naglalayo ang epekto nila sa taong me dinaramdam na matinding sakit sa katawan—daglian ang pagampat ng sakit sa katawan ngunit ang epekto sa bandang huli o habang ang bisa ay “at real time” — “high and free as birds in the sky” kasabihan ng mga sumusulat ng kanta na nakakadama ng “euphoric effect habang may tama pa”.