Advertisers
Bakit parang walang nangyari sa Senate inquiry patungkol sa alleged PCSO scam kung saan pinagdududahan ang tunay na identities ng mga umano’y nagwagi sa lotto makaraang aminin ni PCSO General Manager (GM) Melquiades “Mel” Robles na edited ang larawan ng isa sa mga ipinirisintang winner ng PCSO lottery.
Ang Senate Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Senator Raffy Tulfo ay nabigong sabihin sa publiko ang mga tunay na pagkikilanlan sa mga lotto winners na una nang sinabi ng senador na kanyang kikilalanin upang maibsan ang hinala ng taong bayan na ang ginagawang pagbola sa mga winning combinations ng PCSO Lotto ay di lutong- Macao o BINUDOL.
May ilang araw na rin nating hinihintay ang kahihinatnan ng nasabing pagdinig ng komite ni Sen.Tulfo ngunit tayo ay nabigo.
Mukhang dinidribol na rin ni Tulfo ang resulta ng imbestigasyon.
Inamin din ni Senator Koko Pimentel na walang inilabas na pangalan si GM Robles ng mga nanalo makaraang magsagawa ang Senado ng isang executive session.
Sa halip, makaraan ang isinagawang imbestigasyon ng komite ni Tulfo,makikitang ipinagdiwang pa ni PCSO General Manager Robles ang kanyang 60th birthday sa Goldenberg Mansion sa Malacanang Palace.
Wow ha, sabit na nga sa alleged scam binigyan pa ng kakaibang asalto sa Malacanang si Robles ni First Lady Liza Araneta Marcos.
Alam nyo ba na isa si Robles sa mga protege’ at paboritong opisyal ni FL Liza sa Marcos administration?
Tawag nga ni Madam FL Liza kay GM Robles ay “MEL” YONARYO!
Speaking of FL Liza, totoo rin ba na pamangkin nito sina Martin at Mark Ledesma na nagmamay- ari ng Pacific Online System Corp.na nanalong kumpanya sa e-lotto operations provider ng PCSO?
Yes po dear readers, ang kumpanya pong Pacific Online System Corporation ay pag- aari ng mga pamangkin ni First Lady Liza Araneta Marcos.
What a coincidence di po ba bayan?
Sa dinami- dami ng kumpanyang nagbid para sa e- lotto operation ng PCSO,nagkataong kumpanya pa na pag- aari ng mga pamangkin ni FL Liza ang talagang nanalo!
Mukhang sa lahat ng pagkakakuwartahan at katarantaduhan sa administrasyong ito,iisang pangalan ang laging nakabandera at sabit.
Ganito nga ba kagarapal ang taong ito na sobrang gutom sa kuwarta?
Gusto ko nang maniwala sa sinabi ni Senadora Imee Marcos sa kanyang pronouncement sa media kamakailan lang in saying ” ang kapal naman ng hiya at mukha mo”!
Referring sa taong sumisira sa pangalan at dangal ng mga Marcos.
Konting hiya naman!
Kababaeng tao,ang kapal ng FACE!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com