Advertisers

Advertisers

2 Tulak, timbog sa Malabon

0 49

Advertisers

ARESTADO ang dalawang sangkot sa iligal na droga nang makuhanan ng mahigit P100k halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng Malabon PNP Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni alyas “Dexter” kaya isinailalim nila ito sa balidasyon.

Naaresto si Dexter, at kanyang parokyano na si alyas “Baki” sa Gozon Compound, Brgy. Tonsuya, 10:30 ng gabi.



Nakumpiska ang 23 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P156,400 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">