Advertisers
ARESTADO ang isang lalaki nang mahulihan ng ilegal na droga sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City, Huwebes ng gabi.
Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng suspek na nagpapatakbo ng drug den sa lugar.
“Itong suspek natin, una paggamit lang at nung kalaunan, hinahayaan niya ‘yung paggamit sa loob ng kanyang bahay,” ayon kay Police Maj. Judge Donato, Substation 1 Commander ng Taguig City Police.
Sa imbestigasyon, napag-alaman na naniningil ng P20 hanggang P50 ang suspek kapalit ng paggamit sa kanilang bahay.
“Dinadala sa kanya ‘yung shabu at doon inire-repack sa bahay nila. Siya ‘yung nagbibigay sa source nila,” sabi ni Donato.
Narekober sa operasyon ang 6 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P44,000.
Ito na ang pangatlong beses na pagkakulong ng suspel sa paggamit ng ilegal na droga.
“‘Yung paglaya niya noong October 2023, mga ilang linggo lang ay bumalik na siya sa pagdodroga,” ani Donato.