Advertisers

Advertisers

26 mangingisdang stranded sa WPS nasagip

0 25

Advertisers

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng 26 mangingisda na-stranded sa West Philippine Sea (WPS).

Ang mga mangingisda ay pawang residente ng Olongapo City na iniulat na nawawala sa kanilang fishing venture matapos magkaproblema ang makina ng kanilang fishing banca.

Sinabi ni Zambales PCG sub-station Commodore Euphraim Jayson Diciano, ang fishing vessel FBCA “Sailing” ay umalis sa Barangay Kalaklan, Subic Enero 19 ngunit bumigay ang makina nito sa layong 18 nautical miles o 33 kilometro southwest ng Sampaloc Point ng nasabing bayan.



Ayon kay Diciano, nagawang makapag-radyo ang kapitan sa may-ari ng fishing banca na tumawag naman sa PCG sub-station sa Subic.

Lima pang crew ng isa pang fishing vessel na na-stranded sa Sampaloc Point nang magkaaberya ang nasagip din ng mga tauhan ng PCG habang hinahanap ang FBCA Saling noong Martes. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">