Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
TRENDING ang naging bonding nina Janella Salvador at Liza Soberano na kumalat sa socmed.
Nasa Los Angeles kasi si Janella para i-promote ang kanyang MMFF movie na “Mallari” na kasama sa Manila International Film Festival na palabas sa TCL Chinese Theaters sa Holly Boulevard.
Ang nasabing horror film na pinagbibidahan ni Piolo Pascual ay isa sa topgrossers noong nakaraang MMFF 2023.
Sina Janella at Liza ay long-time friends dahil pareho silang produkto ng Star Magic.
Sa larawan, makikita ang dalawa na nag-eenjoy ng dinner kasama ang ilang mga kaibigan.
Sa after-meal pic, obvious na sobra nilang na-miss ang isa’t isa.
Sa isang panayam noon, sinabi ni Janella na isa si Liza sa itinuturing niyang close friends sa showbiz.
Kahit hindi raw sila nagkikita, lagi raw nilang kinukumusta ang isa’t isa.
Katunayan, si Liza raw noon ang nag-organize ng surprise baby shower bago siya umalis ng bansa noong 2021 nang ipagbuntis niya si Jude.
Si Liza ay abala sa pagpro-promote ng kanyang first Hollywood feature na “Lisa Frankenstein” samantalang si Janella ay pinaghahandaan na ang pagpro-promote ng kanyang upcoming movie na “Under Parallel Skies” katambal ang Thai superstar at heartthrob na si Win Metawin.
Ito naman ang ilang hirit ng netizens sa kanilang bonding sa isang portal.
“Wow! Sana magsama sila sa isang project.”
“Kaya naman pala going international na rin si Jea dahil lodi niya si Liza.”
“Two of the most beautiful faces in local tinseltown.”
“Sana mapansin din sa Hollywood si Janella. She’s a very good actress.”
“Valentina meets the aborted ‘Darna’