Advertisers

Advertisers

Toni ayaw na balikan ang pagho-host ng PBB; Gladys nakiusap, ‘wag na pag-usapan ang patutsada ni Claudine kay Angelu

0 15

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

DERETSAHANG binanggit ng TV host na si Toni Gonzaga na wala na raw siyang balak na balikan pa ang pagho-host ng “Pinoy Big Brother” .
Dagdag ng TV host at aktres na hindi na raw sumagi pa sa isip niya na bumalik sa reality show ng Kapamilya network.

Katwiran ni Toni na mas marami na raw sa mga bagong sibol ang nakitaan niya ng kagalingan sa pagh-host na maaring pumalit sa kanya sa nasabing reality show ng Kapamilya channel.
Pakiramdam daw ni Toni na higit na mas marami sa mga baguhan ay nakitaan niya ng kagalingan sa pagh-host, huh!



Nais daw niyang pagbigyan ang mga ito na magningning bilang main host ng programa.
Kaya raw kinalimutan na niya at wala na sa isip niya na balikan pa ang Dos para lang mag-host.
Almost 16 years na naging main host ng PBB si Toni at nag-resign last Feb 9, 2022 pagkatapos nang sunud sunod na batikos na natanggap niya nang tinanggap niya ang pagho-host ng Unity Team last election, huh!

***
TUMAWAG sa amin ang isang kaibigang Vilmanian na naka-based na ngayon sa America.
Ibinalita ng nasabing Vilmanian friend na punung-puno raw at dinumog ng Vilmanians na nasa America ngayon ang pelikulang “When I Met You In Tokyo”, huh
Ang naturang movie ng Star for all Seasons Vilma Santos at Drama King Christopher De Leon ang opening movie para sa ongoing Manila International Film Festival.



Marami raw ang kinilig sa mga nanood at kita ng source namin na may mga pinaiyak sina Ate Vi at Boyet dahil sa naturang movie.
Umaasa ang mga Vilmanians na si Ate Vi pa rin ang tatanghaling best actress sa awards night huh!
Supposed to be ay iko-consider na ni Ate Vi ang pagdalo sa MIFF pero may biglaang mga meeting na dapat personal na dadaluhan ng Star for all Seasons.
Well, may kinalaman kaya ito sa pangungulit ng mga taga-Lipa at iba pang politicians na tanggapin ni Ate Vi ang alok na siya ang ipalit sa puwesto ng asawang si Ralph Recto bilang kongresista, huh!

***
SA 20th wedding anniversary ng mag- asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas na isinabay na rin sa pagdiriwang ang 18th b-day ng panganay na anak na si Christophe ay ganun na lang ang pakiusap sa amin ni Gladys na huwag nang banggitin pa ang mga binitawang patutsada ni Claudine Barretto kay Angelu de Leon, huh!



Kumbaga, banggit pa ni Gladys na pag-usapan na lang daw ang magagandang nangyari sa okasyon na ginanap sa sosyal na glass garden sa Pasig.