Advertisers

Advertisers

NEGOSYONG IMITASYON MADA-DALI ANG NEGOSYO!

0 1,257

Advertisers

Marami sa ating mga kababayan ang naghahangad na makabili ng kanilang mga pangangailangan sa mas murang halaga.., kaya naman may bagong SUPERMARKET OPERATOR na mura ang mga bilihin tulad ng DALI na dalidaling nagpatayo ng mga sangay sa iba’t ibang lugar sa ating bansa.., siyempre pa, marahil ang layon nito ay makatulong sa mga kababayan natin para sa murang bilihin ng iba’t ibang produkto.

Malaki ang pagkakaiba sa presyo ng mga produktong ibinibenta sa tindahan ng DALI kumpara sa mga mas sikat at malalaking pamilihan.., na ibinibidang WORLD-CLASS ang kalidad ng mga produktong kanilang ibinebenta.

Sa hirap ng buhay ngayon gawa ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pandaigdigan at maging sa lokal na merkado ay malaking bagay na ang ilang pisong maititipid ng isang konsyumer sa tuwing mamimili sa mga pamilihang bayan at maging sa mga grocery o supermarket.



Mga ka-ARYA ., ang mga produktong ibinibenta ng DALI ay sadyang maeengganyo ang mga mamimili dahil napakamura ang presyo ng mga produktong kilalang mataas ang presyo.., subalit, kung susuriin ang mga produktong ibinebenta ay kapansin-pansin na tila pinalitan lamang ang mga pangalan habang ang disenyo ng tatak, bote, kahon o lalagyan ay nananatiling kapareho sa mga pinagkopyahang produkto nito.

Dapat bigyang pansin ito ng pamahalaan ang diumano’y pagbebenta ng mga mapanlinlang na produkto at pati na rin ang maling sistema ng DALI.., dahil bukod sa peligro sa kalusugan ng mga konsyumer ay dapat suriin ng DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) kung may mga posibleng paglabag ba sa copyright o intellectual property ang ilan sa mga produktong diumano’y ibinebenta sa mga tindahan ng DALI.



Noong Pebrero 2021, nauna nang nagbabala ang FOOD AND DRUG ADMINISTRATION (FDA) sa publiko na huwag bilhin at kainin ang DALI FOODS LEMON CAKE.., sa kadahilanan na ang nabanggit na produkto ay hindi dumaan sa tamang pagsusuri ng nasabing sangay ng pamahalaan.

Maganda naman sana ang layunin na dumami ang mga pamilihan gaya ng supermarket sa ating bansa, dahil kadikit nito ang iba’t ibang mga promo o diskwento na maaring maibigay sa mga mamimili upang bumaba ang kanilang mga gastusin dahil sa mas-abot kayang mga bilihin.



Gayunpaman, huwag sana itong gawing dahilan o pagkakataon ng ilang mga mapang-abusong negosyante para pagsamantalahan ang ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga diumano’y mapanlinlang at substandard na produkto sa kanilang mga tindahan.

Masaklap nito ay baka dahil sa maliit na halaga na iyong matitipid ay maaring ma-DALI ka ng mas-malaking gastos dala ng panganib sa buhay o kalusugan na sasapitin ng iyong mga mahal sa buhay.

Kung hindi ito pagtutuunan ng mga kinauukulan ay magiging perhuwisyo ito sa mga negosyanteng tapat sa pagnenegosyo ng kanilang mga produkto.., na ang epekto sa ORIGINAL PRODUCTS ay babagsak ang benta dahil sa PRODUCT IMITATIONS at siyempre pa ay maapektuhan ang ekonomiya ng bansa.., kasi, kung ang ORIGINAL PRODUCTS ay dating nagbubuwis ng milyong piso ay baka hindi na aabot pa ng daang libong piso ang ibubuwis dahil sa epekto ng mga imitasyong produkto.

Ang ARYA ay pabor sa mga nagnenegosyo na mura lamang ang presyo ng kanilang mga paninda tulad sa DALI.., yun nga lang, ang sistemang mapanlinlang o imitasyong produkto ay dapat matuldukan para sa kapakanan ng konsyumer at sa ekonomiya ng ating bansa!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.