Advertisers

Advertisers

NABUDOL TAYO NI KHAN

0 19

Advertisers

TINANGGAP ng ating pamahalaan nang maayos si UN Special Rapporteur Irene Khan at super aalalay ang pag-aasikasong kanyang natanggap mula sa Presidential Task Force on Media Security.

Ang kanyang pagdalaw ay para isulong ang proteksiyon at karapatang maghayag ng saloobin o ‘freedom of opinion and expression’ na siya namang pinangunahan ng PTFoMS para makita ni Khan na maayos ang bansa kung karapatang pangtao ang pag-uusapan.

Yan ang talagang pakay nang pagbisita ni Khan. At matapos ang kanyang pakikiharap sa iba’t ibang opisyal ng sangay ng ating pamahalaan, tinapos ni Khan ang kanyang pagdalaw sa paglalabas ng kanyang tunay na agenda – ang gibain ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict.



Kanyang hayagang inirekuminda ang pagbubuwag ng NTF-ELCAC.

NABUDOL tayo ni Khan, at tinarantado halos ang lahat ng kanyang nakausap na matataas na opisyal ng ating pamahalaan kabilang na ang pinaka-mataas nankinatawan ng Administrasyong Marcos na si Executive Secretary Lucas Bersamin.



Bago pa ang kanyang pag-bisita, ay naitatag na ang NTF-ELCAC upang lutasin ang matagal ng problema, ang pagmamalabis ng mga komunistang-teroristang samahan na Communist Party of the Philippines, New People’s Army.

Nagawa ng NTF-ELCAC ang mandato nito na palayain sa kuko ng mga CPP-NPA-NDF ang marami nating kababayan sa mga kanayunan at naipadama sa kanila ang pagmamalasakit ng pamahalaan sa kanilang mga katayuan nang mga panahong sila ay pinipeste ng mga komunistang-terorista.



NAGBAGO ang ihip ng utak nitong si Khan nang kanya ring maka-usap ang mga kaalyado ng CPP-NPA-NDF na siyang bumuyo sa UN official na ihayag ang tunay nilang agenda.

Tila pinagtaksilan ni Khan ang ating maayos na pakikitungo sa kanya. At yan ay dapat nating susuklian ng di pag-sunod sa kanyang rekumindasyon.

Mananatili ang ating pagtitiwala sa NTF-ELCAC dahil may mga resibo na itong naipakita. Isa na riyan ang nalansag ng mga guerilla fronts ng CPP-NPA at ang mga dating lugar na kanilang pinipeste ay patungo na sa kaunlaran.

Mainam nga, at tuluyan nang lumisan si Khan kung di ay marahil naitaboy ito ng iba nating kababayan na nakinabang na sa NTF-ELCAC.

Isa lang ang sigurado ako, di na welcome si Khan sa Pinas kung ganyan lamang ang kalalabasan ng kanyang pagdalaw. Pwe!