Advertisers
INANUNSYO ng Manila Electric Company (MERALCO) na magpapatupad sila ng dagdag-singil ngayong Pebrero.
Sa abiso ng MERALCO nitong Huwebes, 57 centavos per kilowatt hour ang ipatutupad nilang dagdag singil sa kuryente ngayong buwan.
Ayon sa MERALCO nagmahal kasi ng presyo ng kuryente sa spot market at tumaas ang generation charge.
Katumbas ang dagdag-singil sa kuryente ng Php115 para sa mga komokunsumo ng average na 200 kwh at Php287 naman para sa mga kumukunsumo naman ng 500 kwh.