Advertisers

Advertisers

BI tumanggap ng award dahil sa kampanya kontra illegal drugs

0 11

Advertisers

TUMANGGAP ang Bureau of Immigration (BI) ng karangalan dahil sa kanilang kampanya bilang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport Drug Interdiction Task Group (NAIADITG).

Sa isang pagtitipon na ginawa noong February 8 sa NAIA Terminal 3, ay tinanggap ni BI Anti-Terrorist Group (ATG) Head Bienvenido Castillo Jr. para sa ahensya ang pagkilala para sa “outstanding excellence for the effective and efficient implementation of numerous anti-illegal drug operations within NAIA” bilang bahagi ng NAIA-DITG.

Ang pagtitipon na tinawag na ‘New Year’s Call’, ay taunang activity kung saan ipinapakita ng NAIADITG ang kanilang pagkilala sa mga ginagawa, hakbang at kampanya at na- accomplished ng task group noong nakaraang taon.



Ang BI ay tumutulong sa inter-agency sa monitoring at interdicting ng drug mules.

Matatandaan na noong September ng nakaraang taon, ay may mahalagang papel sa pagkakaharang ng mother-duo tandem na kinilala ng sina Siti Aishah Binte Awang at Nur Alaviyah Binte Hanaffe, kapwa Singaporeans, na nag-smuggle ng 6 cookie tin cans at 5 cylindrical chip cans na naglalaman ng 564 pellets na white powdered substance.



Ang substance ay napag-alaman na cocaine, at tumitimbang ng mahigit kumulang 14,360 grams at may current street value na PhP76,108,000.00.

Noong June 2023, ang BI ay instrumento rin sa pagkakaaresto ng Canadian national na si Wendy Jane Marais, na nagtataglay ng 7.15 kilograms ng Methamphetamine Hydrochloride, ito ay nakatago sa loob ng bags ng individually-wrapped chocolate candies. Tinatayang ang street value ng nasamsam na droga ay PhP 48,680,000.00. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">