Advertisers

Advertisers

UdM ginawaran ng LEVEL 2 Accreditation ng ALCUCOA – Mayor Honey

0 22

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang Universidad de Manila (UDM) ay ginawaran ng LEVEL 2 Accreditation ng Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation (ALCUCOA).

Binati ng alkalde ang liderato ng UdM sa ilalim ni President Dr. Felma Carlos-Tria sa pagkakaroon ng ganitong achievement na ‘di lamang nagbigay karangalan sa pamantasan at sa mga mag-aaral nito kundi maging sa pamahalaang lungsod.

Sa ginanap na Presentation and Confirmation of Accreditation Results and Awarding Ceremonies sa UdM Palma Hall, personal na ipinagkaloob ni ALCUCOA President and Executive Director Dr. Raymundo P. Arcega ang Certificates of Accreditation kay Tria at Vice Mayor Yul Servo na kumatawan sa lady mayor na nagbigay din ng karangalan sa lungsod matapos na mapiling magsalita sa Harvard College Project for Asian and International Relations (HPAIR) 2024 Harvard Conference sa Boston.



Ang ALCUCOA ay ang accreditation agency ng local government universities and colleges at ito ay recognized ng Commission on Higher Education (CHED) upang ma-examine ang educational operations ng mga pamantasan sa lokal na pamahalaan, kung ito ay nag-o-operate ng mataas standard o pasok sa standard na itinakda higher education institutions.

Binati ni Lacuna si Tria, ang buong UDM faculty at staff, at binanggit ang kanilang kasipagan at dedikasyon na naging susi sa maraming achievements ng unibersidad.

Ayon sa alkalde, ang Level 3 ang pinakamataas at upang maabot ng UdM Ang Level 2 sa loob lamang dalawang taon at dalawang buwan, ito ang fastest record dahil ang progression ng ibang LUCs ay inaabot ng walong taon.

Sa bahagi naman ni Tria, sinabi nito na ang ALCUCOA Level 2 accreditation ay testamento ng unwavering commitment ng UdM sa pagbibigay ng high-quality, globally-competitive education. Dahil dito lahat ng programa ng UdM ay accredited na.

“It serves as a valuable external validation of our academic programs, faculty expertise and student learning outcomes,” dagdag ni Tria.



Nabatid na ang UdM ay panglima lamang sa 134 LUCs na may Level 2 institutional accreditation. Level 3 ang pinakamataas. (ANDI GARCIA)