Advertisers

Advertisers

Hidilyn Diaz nagte-training sa Jalajala

0 38

Advertisers

NAG set up ang Olympic champion Hidilyn Diaz ng training camp sa Jalajala, Rizal kasama ang kanyang asawa, Julius Naranjo, Layunin na makakuha ng spot sa Paris Summer Games ngayong taon.

Habang naghahanda si Diaz sa kanyang parating na Olympic Qualifiers, Sabay na itinayo na rin nila ang Hidilyn Diaz Weightlifting Academy sa parsela ng lupa na kanilang binili sa lalawigan.

Ayon kay Diaz,pinili nila ang lugar para magkaroon ng kapayapaan at focus habang patuloy ang kanilang paglalakbay patungo sa Paris.



“We chose this place because it’s like Malacca in Malaysia,” Wika ni Diaz, tungkol sa lugar kung saan siya nag training bago ang Tokyo Olympics sa 2021. “Ayoko ma-stress sa traffic, and I want this fresh air.”

“What’s important for an athlete is peace of mind,” dagdag ng kanyang asawa Julius. “If she has peace of mind, her training goes well. She can push, she’s not stressed.”



Diaz ay sasabak sa tournament sa Phuket, Thailand sa Abril 3. Kasalukuyang ranked No.7 sa IWF Olympic Qualifying Rankings, nanateli siya sa loob ng Top 10 matapos ang huling qualifying sa Thailand.

Sa panayam ng ABS-CBN News, Kumpiyansa si Diaz na ma- qualify para sa Paris Olympics, at makakasama sina pole vaulter EJ Obiena,boxer Eumir Marcial, at gymnastics Carlos Yulo at Aleah Finnegan na kakatawan sa bansa. Ika-limang Olympics ni Diaz, unang sumabak sa 2008 sa Beijing sa edad na 17-year old.



Matapos gumawa ng kasaysayan sa Tokyo na kauna-unahang gold medalist ng bansa, umaasa si Diaz na ipagpatuloy na maging proud ang Pilipinas sa Paris. Habang puntirya ang kahit anong kulay ng medalya.