Advertisers
NASILO ni Filipino Olympian pole vaulter Ernest “ EJ” Obiena ang kanyang unang gintong medalya sa 2024 Memorial Josep Gasparac tournament sa Croatia.
Inareglo ni Obiena ang taas na 5.83 meters, para maungusan ang pambato ng Portugal Pedro Buaro (5.73m) at ang United States bet Trey Oates (5.61,).
Ito ang unang titulo ni Obiena sa 2024, habang pinaghahandaan ang parating na Olympic Games sa Paris,France.
“Indoor season finally kicks off,” Sulat ni Obiena sa kanyang social media platforms. “5.83 for the title here… Thank you for having us and putting on a great atmosphere.”
Tutuloy si Obiena sa Germany para sa istaf Indoor event.