Advertisers

Advertisers

Doktor natagpuang patay sa loob ng lab room

0 242

Advertisers

NATAGPUANG walang buhay ang isang resident doctor ng Bagong Ospital ng Maynila (BOSMA) sa loob ng laboratory room ng pagamutan sa Quirino Avenue corner Roxas Boulevard, Malate, Maynila.

Kinilala ni Police SMS Jayson Ibasco, imbestigador ng Manila Police District – Homicide Section, ang biktimang si Axl Caesar Ofrecio, 29 anyos, resident doctor sa Internal Medicine ng BOSMA at taga-Green Residences, Taft Avenue, Maynila.

Sa imbestigasyon, 8:30 ng gabi nang matagpuan sa Control Lab Room sa 2nd floor ng BOSMA na walang buhay ang duktor habang nakaupo sa office chair.



Ayon kay Joshua Arellano, 25, 1st year internal medicine resident, kaagad niyang binigyan ng CPR para ma-revive pa ang duktor pero wala narin nangyari kaya kaagad na dinala sa operating room pero tuluyan narin binawian ng buhay 10:08 ng gabi.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima.

Tumanggi ang mga magulang ng biktima na paimbestigahan pa ang insidente sa paniniwala na walang naganap na foul play sa pagkamatay ng duktor.