Advertisers
Kulong ang dalawang tulak ng illegal na droga nang makuhanan ng mahigit P100k halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng Caloocan PNP nitong Martes ng gabi.
Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naaresto na sina alyas “Buboy” at “Bryan”, residente ng Brgy. 28.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 17.40 grams ng shabu na may standard drug price value na P118,320.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)