Advertisers
Ipinagdiwang ni Senator Risa Hontiveros ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng libreng pakain sa mga estudyante ng daycare center ng Barangay 43, District 1, Zone 3 ng Tondo, Maynila.
Personal na nagtungo si Senator Hontiveros sa naturang barangay upang ipamahagi ang 32 tablets at mga food packs sa mga mag-aaral ng nasabing daycare center.
Nagkaroon din ng magic show at palaro para lalong mapasaya ang mga mag-aaral.
Inasistehan naman si Hontiveros nina Brgy. Chairman Irene Reyes Padasas, and council at SK Chairman Joey Venancio Jr. ng Brgy. 43 na siya rin SK Federation Manila, PRO.
“Maraming salamat po sa pagbisita at pagbibigay ng kasiyahan at pagkain sa aming mga daycare students,” wika ni Chairman Padasas.
“Nais ko lang rin ipahiwatig ang aking tuwa at lubos na pasasalamat sapagka’t ito ang unang beses na may bumabang senador sa aming barangay,” dagdag pa ni Padasas.
“Welcome sa Barangay 43 and Happy Birthday po, Senator Risa Hontiveros!”