Advertisers

Advertisers

Duterte: Pagkain at tubig pinaka-kailangan ngayon sa Cagayan

0 208

Advertisers

Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete ang pamamahagi ng relief goods sa mga residente ng Cagayan Valley na sinalanta ng bagyong “Ulysses.”
Nitong Linggo ng hapon, Nobyembre 15, nang mag-aerial inspection si Duterte sa Tuguegarao City, na sinundan ng meeting kasama ang kanyang Cabinet officials.
“Ang problem talaga sa sunog o baha is water, clean water; potable water. Kung wala, then we will send them here even if to travel overnight; then food to sustain them (residents),” ani Duterte.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pangulo sa mga local government units na naging aktibo sa responde ng mga na-stranded na residente.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang chief executive sa pamilya ng mga binawian ng buhay sa gitna ng pananalasa ni “Ulysses.”
Binigyang diin ni Duterte ang kanya raw natutunan mula kay dating Pangulong Fidel V. Ramos, na dapat ding isaisip ng bawat opisyal.
Tiniyak ng Pangulo na kumikilos ang buong administrasyon para maka-ahon mula sa dinulot na kalbaryo ng bagyong “Ulysses” ang buong Cagayan region. (Vanz Fernandez)