Advertisers
ILULUNSAD ng Social Security System (SSS) ang assistance package para sa kanilang mga miyembro at pensioners na labis na naapektuhan ng sunud-sunod na bagyong tumama sa bansa.
Sa anunsyo ng SSS, sa darating na November 27 ay handa na ang calamity assistance para sa mga miyembro at pensioners na kabilang sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity bunsod ng nagdaang Bagyong Quinta, Super Typhoon Rolly, at Bagyong Ulysses.
“The said assistance package will include the calamity loan assistance program (CLAP), a 3-month advance pension for SSS and employees’ compensation pensioners, and the direct house repair and improvement loan,” bahagi ng kanilang anunsyo.
Pinaplantsa na ngayon ng SSS ang kumpletong guidelines para sa CLAP. (Josephine Patricio)