Advertisers
UMISKOR si Damian Lillard ng 31 point, at pumasa ng 16 assists sa 140-129 wagi ng Milwaukee kontra Phoenix Linggo.
Bobby Portes nagdagdag ng 31 points at 10 rebounds off the bench para sa host Bucks, na umangat sa 44 -24 at patibayin ang kanilang kapit sa second place ng Eastern Conference.
Lillard, ang unang player sa club history na may 30 points at 15 assists sa parehong game.
Umiskor si Lillard ng 14 points at 12 assists sa unang yugto para itakda ng Milwaukee ang 82-60 half-time edge, tinapatan ng Bucks ang NBA rekord na ginawa ng Suns at Utah Jazz na nagsalpak ng 18 first-half 3 pointers.
Portis ay kumamada ng 25 first-half points sa 10-of-13 shooting, going 5-of-5 mula sa arko.
Milwaukee’s Khris Middleton, na lumaktaw ng 16 games dahil sa sprained left ankle, nagdagdag ng 22 points sa kanyang pagbalik matapos ang anim na linggong bakasyon.
Bradley Beal pinamunuan ang Suns sa iniskor na 28 points habang si Grayson Allen nagdagdag ng 25, Devin Booker nagtala ng 23 at Kevin Durant umiskor ng 11 points at nine rebounds, four assists, three steals at two blocked shots.
Phoenix ay nalaglag sa 39-29, sa likuran ng Sacramento para sa sixth at final Western Conference playoff spot.