Advertisers
MATINDI parin pala ang bentahan ng iligal na droga sa Montalban, Rizal partikular sa bandang NTA relocation.
Oo! Inirereklamo ng mga residente ang talamak na bentahan sa naturang relocation. Lantaran daw ang bentahan dito.
Isa sa mga kilalang tulak ng shabu sa lugar si alyas “Bentong”. Masyado na raw perwisyo ang taong ito.
May nakakakita pang minsan ay may kasama itong pulis. Hmmm… Hindi kaya pulis ang nagpapabenta ng shabu kay Bentong?
Montalban Police, aksyon!
***
Binira uli ni ACT Teachers Representative, House Deputy Minority leader France Castro, si Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio dahil sa lantarang pagdepensa ng huli kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Say ni Castro, si Quiboloy ay “akusado ng panggagahasa sa mga bata” pero sa halip na kumbinsihin ni VP Sara na sagutin ang mga paratang laban sa kaniya ay ipinagtatanggo pa. Aray ko!
Kinuwestiyon din ni Castro si VP Sara kung hindi niya batid ang mga kasong kinakaharap ni Quiboloy sa bansa at sa ibang bansa gaya ng Amerika kungsaan mayroon itong mga kasong pang-aabuso sa mga kababaihan at mga bata, at sangkot din sa pag-export ng mga baril at iba pang mga kaso tulad ng fraud at dollar smuggling. Mismo!
Ginawa ni Castro ang pahayag kasunod ng inilabas na video message ni VP Sara na ang mga akusasyon laban kay Quiboloy ay mga uri ng “violence” at “trial by publicity”.
Sinabi pa ni VP Sara na sa mga isinagawang pagdinig sa Senado, mistulang nahatulan na ng “guilty” si Quiboloy kahit na ang naturang mga pagdinig ay base lamang sa mga alegasyon ng mga testigo na itinago ang kanilang pagkakakilanlan at hindi aniya mapatunayan ang kanilang kredibilidad.
Una naring inihayag ng kampo ni Quiboloy na nakahanda silang sagutin ang criminal accusations sa tamang hukuman, pero never sa congressional bodies na hinusgahan na ang self-proclaimed “Son of God”.
Matatandaan na hindi sinipot ni Quiboloy ang magkahiwalay na summon na inisyu ng Senado at Kamara na nagsasagawa ng mga pagdinig kaugnay sa mga akusasyon laban sa “Dios Diosan”.
Iniiimbestigahan ng Senado si Quiboloy sa mga reklamong ‘human trafficking’, ‘labor violations’ at ‘sex offenses’.
Habang sa Kamara, pinatawag si Quiboloy para tumestigo sa imbestigasyon ng mga paglabag sa franchise ng kanyang network (Sonshine Media Network International).
Si Quiboloy ay nasa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa mga kasong rape, human trafficking, fraud at dollar smuggling.
Hindi lang si VP Sara ang nagtatanggol sa fugitive na Quiboloy, pati si Senador Robin Padilla, Sen. Cynthia Villar at Sen. Imee Marcos ay todo protekta sa pastor.
Sabi nga ng netizens: “Anong klaseng mga mambabatas ito, alam na nilang kriminal, ipinagtatanggol parin. Fuck!”
Isa lang ang dahilan kung bakit todo depensa ang naturang mga mambabatas kay Quiboloy: Tinulugan sila ni Quibs para manalo sa eleksyon. Boom!