FIREFIGTHING VEHICLES AT EQUIPMENTS IPINAMAHAGI NG TAGUIG LGUs SA TAGUIG BFP, KASABAY NG IKA-10 TAGUIG FIRE OLYMPICS
Advertisers
Kasabay ng ika 10 Taguig City Fire Olympics ibinahagi ng Taguig Local Government Units (LGUs) sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano ang firefigthing vehicles at equipments sa Taguig Burea of Fire Protection na kinabibilangan tatlong firetrucks, walong motorsiklo at firefighting equipments.
Layunin ng lokal na pamahalaan na paigtingin ang kakayahan ng mga pamatay sunog partikular na ang BFP at mapabilis ang responde sa sunog.
Kasabay ng pamamahagi ng firefigthing vehicles at equipments inilunsad din ang ika sampung Inter-Barangay Fire Olympics kung saan ang lokal na pamahalaan ng Taguig ang host sa kauna-unahang Fire Paralympics and Inter-School Fire Olympics.
Ang pagsasagawa ng Fire Olympics kada taon ang paraan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month.
Ayon kay Mayor Lani ang araw na ito ay pagpapakita ng kanilang kahandaan ng lokal na pamahalaan ng Taguig sa anumang uri o panahon ng sakuna.
Nagpasalamat naman ang Alkalde sa City Council dahil sa pag apruba sa pondo para makapagbahagi ng mga firefigthing vehicles at equipments sa BFP ng Taguig.
Aniya bukod sa pamatay sunog ang kanilang ipinamahaging firetrucks ay nagagamit din ito sa ibang sakuna , tulad ng pagbaha at pagbagsak ng mga puno.
Nagpasalamat naman si Fire Marshall F/ Senior Supt. Eddie Tanawan sa lokal na pamahalaan ng Taguig partikular na kay Mayor Cayetano sa muling pagbibigay donasyon ng firefigthing vehicles at equipment na sumatotal umaabot na aniya sa 17 firetrucks ang naibigay na sa kanila ng lungsod ng Taguig. (CESAR MORALES)



