Kathryn at Alden nilantad na ang tunay na relasyon; It’s Showtime host Cianne nagka-trauma sa tangkang rape ng macho dancer
Advertisers
Ni BETH GELENA
NA-trauma umano ang It’s Showtime host na si Cianne Dominguez nang may lalaking sumunod sa kanya papasok sa kanyang condominium unit.
Ayon sa ama ni Cianne, “Tonight, my family [was] bothered [by] what happened to my daughter Cianne Dominguez. She was attemptedly (sic) raped by this guy named Shervey S. Torno. A gay bar dancer and performer. Short story is, the suspect followed my daughter to her condo, forcibly prevented the door from closing and held her waist, forcing to kiss her.”
Nag-file umano sila sa alegasyong attempt to rape last night of April 11.
Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District 10, ang inakusahang lalaki na si Shervey S. Torno, also known as Ronnie Gray. Siya umano ay nagwo-work sa isang gay bar as a dancer and performer.
“Good thing that my daughter is strong enough to resist and the suspect ran. My daughter took video footage of him as he’s escaping Shervey a.k.a. Ronnie Gray ran along EDSA trying to escape but was captured by the OIC of the condominium,” dagdag pa ng ama.
“Shervey is now under the custody of QC Police District 10 and facing serious charges. Please pray with us for my daughter as she is under trauma from the said incident,” wika pa nito.
Ang paliwanag ng akusado sa pulisya, “Tinulak ko lang yung pinto kasi inipit nya yung paa ko.”
Sey naman ng netizens, “Obvious naman naipit paa mo kasi nilagay mo sa pinto so you can barge in!!!
I hope you rot in jail!”
“Naku kuya naipit paa mo kasi malamang ihinarang mo para nga di nya masaraduhan yung pinto tsktsk”
“Sa sinabi niya na yan eh para na din niyang kinonfirm yung story ni girl”
“what an incriminating statement, jan pa lang sa pagharang ng paa nya to stop the door from closing alam mo na ang intensyon na pumasok ng pwersahan sa condo ni girl. nakakatakot! hope makulong yang siraulong yan!”
“And how did your foot get in there if not for you forcing yourself into her space when you are not welcome? Palusot.com”
“Asking stranger na pa kiss hala baliw ka kuya”
“Unjust vexation lang kinaso sa guy? Bakit hindi attempted rape or any sexual assault ralated?”
***
NAPAKITANG gilas si
Alden Richards ng kanyang dancing skills sa house warming party ni Kathryn Bernardo.
Magmula nang um-attend ng birthday ni Kath ang Asia’s Multimedia Star na may dalang bouquet of flowers plus a gift at sinalubong ng birthday celebrant ng mahigpit na hugs ay ang dami nang espekulasyon na lumabas between the two.
From then on, ay sunud-sunod nang napagkikitang magkasama ang dalawa.
Katunayan, first time nga raw na ginawa ng aktor ang nagbabad sa party na iisang babae ang nag-imbita.
This time kasi, sa house warming naman ni Kath ay present ang Kapuso aktor kahalubilo ang mga kaibigang celebrities ni Kath na pawang taga Kapamilya Network.
Napansin ng netizens na hindi umano naiilang ang actor sa mga kaibigan ni Kath at maging sa pamilya raw nito.
Sa isang panayam nga kay Alden ay natanong siya hinggil sa real score nila ng Kapamilya actres.
Walang direktang sagot si Alden kundi “What you see is what you get.”
At nito ngang nakaraang araw ay muling nakita ang aktor sa housewarming event ni Kath.
Isang fan ang nag share ng footage at images na nangyayari sa gathering kung saan banaag sa mukha ni Kath ang sobrang kasiyahan.
Nakunan ang spontaneous moment nina Kathryn at Alden nang magpamalas sila ng kanilang dance moves.
Nasaksihan din nila ang unexpected dancing skills ng Kapuso actor.
May chemistry daw talaga ang KathDen.
Ibang klase raw talaga ang kanilang off-screen dynamics kaya marami ang naghahangad na sana raw ay sila na.