800 pamilyang nasunugan, inayudahan ng LGU-Manila
Advertisers
MAY 800 pamilya na nasunugan sa Maynila kamakailan ang tumanggap ng ayudang pinansyal mula sa city government of Manila.
Ang distribution ng cash aid na nagkakahalaga ng P10,000 bawat pamilya ay pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna at Re Fugoso, hepe ng tmManila department of social welfare.
Sa nasabing occasion,nagpahatid din si Lacuna ng kanyang concern sa mga nasugatan sa nasabing sunog. Napaulat na may limang nasugatan sa nasabing insidente.
Muling inulit ng lady mayor ang kanyang pahayag na sa panahon ng dapat na unahin ang sariling kaligtasan pati na ang kaligtasan ng mga kasama sa bahay.
Sinabi ni Mayora na may mga instances, na nasasaktan dahil bumabalik pa sila sa kanilang bahay kahit nasusunog upang isalba ang kanilang mga aria-arian.
Sinabi pa ni Lacuna na kahit maliit lamang ang binigay na ayuda ng pamahalaang lungsod, ito ay upang tiyakin na mayroong magagamit ang mga nasunugan sa kanilang pagsisimulang muli.
Binigyang babala rin ng alkalde ang mga residente na sa papainit na papainit na panahon at temperatura, ang paligid ay mas lalong prone sa sunog kung kaya kailangan ng Ibayong pag-iingat.
Binigyang direktiba na rin ang mga Barangay authorities sa Maynila na turuan ang kanilang mga constituents ng kaalaman kung ang gagawin sa panahon ng sunog at kung paano ito iwasan.
May tatlong insidente ng sunog ang naganap sa Maynila nitong nakalipas na linggo kabilang na sa mataong lugar na Parola area sa Binondo. (ANDI GARCIA)