Advertisers

Advertisers

Attention MMDA siguruhing mapapagana ang Navotas Floodgates at Pumping Stations — Rep. Tiangco

0 5

Advertisers

Buong tapang na nanawagan si Navotas Representative Tobias “Toby” Tiangco sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na agarang tiyakin ang operasyon ng anim (6) na bagong floodgate at (2) dalawang bagong pumping station ng Navotas Coastal Dike Project.

Ipinahayag ni Rep. Tiangco ang kanyang pagkadismaya sa MMDA, na siyang may atas na mangangasiwa sa operasyon ng mga floodgate at pumping station sa oras na ma-turn over ng DPWH ang proyekto, matapos nitong sabihin na wala itong nakalaang pondo para sa operasyon ng mga pasilidad na nakatakdang makumpleto ngayong taon.

“Hindi namin tatanggapin na hindi ninyo ooperate ang floodgate at pumping station dito sa Navotas. Matagal naming hinintay ang proyektong ito,” ani Tiangco.

Batay sa liham ng MMDA sa tanggapan ni Rep. Tiangco, hindi naisama sa kanilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) para sa 2026 at 2027 ang pondo para sa operasyon ng mga pasilidad. Ayon sa ahensya, hindi umano ito naabisuhan ng DPWH na matatapos ang proyekto ngayong taon, kaya’t plano pa lamang nitong humiling ng pondo para sa 2028.

Dagdag pa ni Rep. Tiangco. “Dismayado ako kay Chairman Artes, saan ka nakakita ng opisyal na imbes na sabihin na susbukan hahanapan na pondo ay sasabihin na sa 2028 pa mababudgetan. Ang 2027 budget ay ginagawa palang ngayon, so ang ibig sabihin pwede pa niya ihabol. Para sa 2026 naman dapat makipagtulungan siya sa DPWH, DBM at Office of the President para mapagana itong anim (6) na bagong floodgate at (2) dalawang bagong pumping station ng Navotas Coastal Dike Project, hindi naman pwedeng sabihin na tiis muna kayo ng isat kalahating taon dahil hindi ito naisama ng MMDA sa budget, kahit nag daan sa Metro Manila Council ang approval nito nung 2022 pa lang.”

Ang proyekto ay matagal nang bahagi ng mga plano para sa flood mitigation sa Navotas at isinailalim pa sa pagsusuri ng Regional Development Council–National Capital Region para 2022 Budget sa ilalim ng Metro Manila Council.

Para kay Rep. Tiangco, hindi maaaring matapos ang proyekto ngunit hindi naman magamit ng mga mamamayan dahil lamang sa kakulangan sa koordinasyon o paghahanda.

Hinimok ni Tiangco ang MMDA na makipagpulong sa DPWH, DBM at Office of the President at agarang hanapan ng pondo upang matiyak na mapapagana ang mga pasilidad nang sa gayon ay agad na mapakinabangan ang proyektong matagal na hinintay ng Navoteño. (Cesar Barquilla)