Advertisers

Advertisers

Ateneo head coach, ipinasubpoena ng DOLE

0 3

Advertisers

Nakatakdang ipatawag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Basketball Coach ng Ateneo na si Tab Baldwin.
Kinumpirma ni Labor Secretary Francis Tolentino na isusubpoena ngayon si Baldwin sa gitna ng isyu ng pagkasawi ng dalawang basketball player ng Ateneo sa kalagitnaan ng training sa Dipaculao,Aurora.
Ayon kay Tolentino, para alamin kung may valid na alien employment permit si Baldwin sa ilalim ng labor code.
Layon din nitong suriin kung saklaw ng alien employment permit ang pagsasagawa ng mga team building activities.
Bahagi rin ito ng beripikasyon ng Kagawaran upang matiyak na sumusunod sa mga umiiral na batas-paggawa ang lahat ng dayuhang nagtatrabaho sa bansa.
Binigyang diin ni Tolentino na hindi pag-uusig ang hakbang ng DOLE kundi bahagi lamang ng pagpapatupad ng batas at pagtiyakbng pagaunod sa mga regulasyon hinggil sa pagtatrabaho ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Maari namang kanselahin ang alien employment permit ni Baldwin sakaling hindi ito sumipot at irerefer din sa Bureau of Immigration sa posibleng deportation nito.
Kaugnay nito, nagpahayag din ng pakikiramay ang pamunuan ng DOLE sa pamilya na naiwan ng dalawang nasawing player na sina Rene Baterbonia at Divine Adili. (Jocelyn Domenden)