Advertisers

Advertisers

P7.5m marijuana winasak sa Ilocos Sur

0 6

Advertisers

WINASAK ang fully grown marijuana plants na may kabuuang halagang P7.5 milyon sa Sugpon, Ilocos Sur nitong weekend.

Sinabi ni Joel Plaza, Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 (Ilocos) Director, 37,700 puno ng marijuana ang nabunot mula sa pitong plantasyon noong Biyernes at Sabado.

Nadiskubre noong Biyernes ang unang limang plantation sites na 4,200 square meters sa Sitio Tangilig at nagkakahalaga ng P5.3 milyon.



Dalawa pang plantasyon ang natuklasan noong Sabado, na nagkakahalaga ng P2.2 milyon, sabi ni Plaza.

Nagsagawa ng mga operasyon ang mga opisyal ng PDEA Ilocos Norte at Ilocos Sur, Regional Mobile Force Battalion at mga himpilan ng pulisya sa mga bayan ng Sugpon, Cervantes, Suyo, Sigay, Lidlidda, Tagudin, San Emilio, Nagbukel, Galimuyod, Salcedo, at Gregorio del Pilar.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">