Advertisers
NASILAT ng De La Salle University ang Adamson University, 17-25,25-19,25-11,25-22, para ipilit ang three-way tie sa ibabaw ng standings ng UAAP Season 86 women’s volleyball tournament Miyerkules sa Araneta Colesium.
Ang tagumpay ng Lady Spikers ang nagdala sa kanila sa 10-2, kapantay ang Univesity of Santo Tomas at National Univesity.
Ang three-way tie ay babasagin sa pamamagitan ng puntos. habang ang head-to-head results ang babasag sa pagitan ng dalawang teams.
Jen Villegas umiskor ng 16 points para sa also-run Lady Falcons na nadulas sa 3-9.
Samantala, dinaig ng Far Eastern University ang University of the East,25-19,25-15,22-25,25-16, para patatagin ang kanilang tsansa na makamit ang twice-to-beat advantage.
Ang Lady Tamaraws ay umangat sa 8-4 habang ang UE bumaba sa 2-10.