Advertisers

Advertisers

Kudos sa bagong pamunuan ng NPC, at naks Atty. Ferdie Topacio, congrats!

0 65

Advertisers

SALAMUCH, opo, maraming salamat po sa ating mga kapatid na nagtiwala sa ating brand new National Press Club (NPC) Director, Atty. Ferdinand ‘Ferdie’ Topacio.

He ran as an independent candidate at alam natin, bihira sa isang walang partido sa NPC ang palarin na manalo, kaya, we consider Bro. Pardner Ferdie a blessing kahit, sabihin pa, he will be a lone voice sa NPC.

Muli, congratulations, Atty. Topacio at sa lahat ng nagtiwala sa kanya, sa first attempt na kumandidato siya and as his campaign manager, am proud na naipanalo natin siya.



Now, ang tanong, ano ba ang magagawa niya bilang isang “lone voice” sa NPC, siyempre, alam natin, magiging cooperative o “team player” si Atty. Ferdie sa mabubuting programa ng ating bagong NPC president, Kuyang Leonel ‘Boying’ Magistrado Abasola, at kung kailangang maging critical, gagawin niya para sa kapakanan ng buong kasapian ng NPC.

Bilang isang magaling, well-known trial lawyer, kilala si Director Topacio na tagapagtanggol ng press freedom, free speech at ating karapatan sa free people’s assembly.



Madalas, pro bono lawyer siya sa mga kapatid sa media na nahaharap sa mga kasong libel at iba pang harassment suit.

For this, we are grateful kay Director Topacio!



Speaking of libel suit, kailangang magpursige ngayon ang pamunuan ni Pres. Boying na muling isulong na i-decriminalize ang libel na matagal na rin nating maisabatas.

Why not magkaroon tayo ng anti-SLAPP (Strategic Lawsuits Against Public Participation) statute na isa sa mabisang gamit ng isang tao, lalo na ang mga journalist, laban sa mga kaso na ang nais lamang ay supilin ang ating constitutional rights to free speech or public participation.

Mayroon nitong Anti-SLAPP law sa maraming estado sa US na panlaban sa mga tao, lalo na ang mga politiko at power-that-be na patahimikin ang karapatan ng mamamayan na magpahayag ng damdamin at karaingan laban sa katiwalian at maling pamamalakad ng mga taong gobyerno.

Unang naisabatas ito sa California noong 1992 na pinoprotektahan ang mga aksiyon o kilos kaugnay ng mga isyung pambayan.

Ano itong anti-SLAPP law, una, kung maisampa ang kaso sa korte, kung mapatunayan ng respondent na ang kilos o aksiyon niya ay protektado ng mga karapatang ginagarantiyahan ng Konstitusyon, maaari niyang hingiin sa hukuman na i-dismiss agad ang complaint, bago umpisahan ang magastos at matagal na kaso ng pagdinig.

Maari nang magharap ang akusado ng “special motion to strike” na isa sa magandang provision ng anti-SLAPP statute ng California.

Itong batas na ito ay isang makapangyarihang depensa laban sa mga walang kuwenta, mapaniil at mapanggipit na kaso laban sa free speech at sa public participation.

Nabanggit natin ito upang imungkahi sa ating mga mambabatas, tulad ni Kuyang Pardner ACT-CIS partylist Cong. Erwin Tulfo, Bicol Saro Partylist Kuyang Pardner Raymund Brian Yamsuan, Kuyang Pardner Manila 3rd district Congressman Joel Respall Chua at Kuyang Sen. Raffy Tulfo na bisitahin ang anti-SLAPP statute ng California.

Kailangan nang magkaroon ng batas na magpapahintulot ng mabilis, maagang dismissal ng mga walang kuwenta, meritless claims ng mga complainant na ang nais lamang ay gipitin, takutin at pigilin ang malayang pamamahayag.

Maganda na bisitahin din ng mag-utol na Tulfo, Yamsuan, Chua at siyempre ni NPC Director Atty. Ferdie Topacio ang batas sa Libel at CyberLIbel Law nang mabigyan ng mas malakas na depensa ang mamamayan at ang mamamahayag para maitaguyod ang malayang pamamahayag at pagpapahayag.

At sa batas na anti-SLAPP, pag naideklarang meritless ang kaso, ang defendant ay maaaring humingi sa korte ng danyos perwisyo tulad ng attorney’s fees at iba pang naging gastos sa pagharap sa kasong panggigipit sa malayang pagpapahayag at pamamahayag.

Siguro, maimumungkahi natin na tingnan ito ng bagong pamumunuan ni NPC President Boying Abasola with his elected officials at ang buong NPC Board of Directors.

Sa Senado, nariyan si Ate Loren Legarda na dating broadcast journalist, baka naman pwedeng pag-aralan nyo po na umakda kayo ng katulad na anti-SLAPP law.

May mga modelong batas na ganito sa mga estado ng Columbia, Arizona, Colorado, Florida, Georgia, Illinois, Massachusetts, Nevada, Oregon, Pennsylvania, Texas, at Virginia sa US.

Kung tunay na demokrasya tayo, at may garantiya ang ating Saligang Batas para sa malayang pagpapahayag, pamamahayag at kalayaan sa malayang pagtitipon, marapat lamang na lalo pa natin palakasin ang karapatan ng mamamayan, lalo pa nga at sinasabi natin, ang gobyerno ay itinatag para sa proteksiyon at kagalingan ng malaya at makapangyarihang mamamayang Pilipino.

Muli, ang ating pasasalamat sa pagtitiwala ng mga kapatid sa NPC sa paghahalal kay Atty. Ferdie Topacio bilang director natin, at ang ating pagbati sa buong kasapian ng mga opisyal ng NPC sa pamumuno ni Pres. Boying Abasola.

Para sa totoong kalayaan sa pamamahayag at pagpapahayag, para sa kabutihan at kagalingan ng mga kapatid sa media, kasapi man o hindi ng press club, suportahan natin ang bagong pamunuan ng NPC.

Mabuhay tayong lahat!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.