Advertisers
‘DI lamang ordinaryong Filipinong manggagawa ang pinahalagahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong nagdaang Labor Day.
Ibinalita rin ng DOLE ang makabulihan nitong programa sa mga nagbabalik-loob sa pamahalaan ng mga dating rebelde.
Mahigit nga raw 10,000 indibidwal at mga pamilya na ang nakinabang na sa kanilang pagbibigay sa mga ito ng trabaho at mga livelihood programs ng ahensiya.
Si Labor Undersecretary Benjo Santos M. Benavidez ang ginawang kinatawan ng DOLE sa nakaraang ‘virtual’ na balitaan kung saan inihayag ng opisyal ang mga oportunidad sa mga dating rebelde upang magkaroon sila ng ikabubuhay matapos ng kanilang pagsuko.
Ang mga ito raw ay para di na muling manumbalik ang maling idelohiyang isniksik sa kanila ng mga maling samahan na dati nilang kinabilangan.
At di lamang trabaho ang mga ito, kung di kabuhayan sa kanilang muling pagbabalik sa tamang lipunan na kanilang mapapakinabangan.
Sa Tulong Panghanapbuhay Para sa ating mga Disadvantage Workers (TUPAD) program, ayon kay Benavidez, naglaan ang DOLE ng mga panggagalingang pondo at mga programang pangkabuhayan para sa mga dating rebelde upang maipakita sa kanila ang pagmamalasakit ng pamahalaan na tanging layunin ay ang pag-unlad ng lahat.
Mahalaga ang papel na ginagampanang ito g DOLE. Ito ang nakakahikayat sa iba pang rebelde na sumuko na lamang at makiisa na sa pamahalaan.
6,100 na former rebels na nga raw ang may permanente ng kabuhayan na nakinabang sa programa, karamihan dito ay nasa lugar ng CARAGA, Region 9, at Region 11.
Sa TUPAD program naman raw, ay halos 10,000 former rebels na ang nabigyan upang makapag-patuloy na silang muli bilang mga sibilyang kakampi ng pamahalaan tungo sa kaunlaran.
Ipinangako nga ni Benavidez, na sng misyong ito ay magpapatuloy di lamang para sa mga dating rebelde kung di para sa lahat ng naghahanap ng trabaho o’ kabuhayan.
Sa kabilang banda naman, naghayag din si Director Jose A. Descallar ng NTF-ELCAC na mahalaga ang 50 taon ng pagkilala sa ating mga mangagawa bunga na rin ng Labor Code.
Ito ang nagbibigay ng “industrial peace” na makakapagbigay naman ng pag-angat ng ekonomya ng bansa at kabawasan sa kahirapan.
Kaya dapat laging sinusunod ang mga labor laws para sa pagka-pantay-pantay ng lahat upang magkaroon ng masagana at makatarungang lipunan.