Advertisers

Advertisers

BI EMPLOYEES SA NAIA.., MGA MILYONARYO NA?

0 2,331

Advertisers

Sa paglobo ng bilang ng mga CHINESE NATIONAL sa ating bansa ay pagrangya naman sa pamumuhay ng mga kawani ng BUREAU OF IMMIGRATION (BI) na nakatalaga sa NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT (NAIA) ang naging resulta.., na posibleng talunin pa ang estado ng kabuhayan ngayon ni BI COMMISSIONER NORMAN TANSINGCO.

Ayon sa ARYA BEES.., upang mapatunayan ang alegasyong kasapakat ang BI employees ng ilang maiimpluwensiyang BIG TIME INTERNATIONAL TRAVEL AGENCIES gamit ang sistemang VISA UPON ARRIVAL (VUA) ay kailangan umanong isailalim sa LIFE STYLE CHECK ang mga kasalukuyang IMMIGRATION EMPLOYEE na nakatalaga sa mga airport partikular na sa NAIA.

Oo nga naman.., ang IMMIGRATION EMPLOYEES ay hindi palulusutin ang mga dayuhan na hindi kumpleto ang mga requirement sa pagpasok sa ating bansa maliban na lamang kung may suhol o “lagay” sa mga nakatalaga sa bawat exit way sa mga paliparan.., siyempre pa kasama na riyan ang mga guwardiyang dadaanan ng mga foreigner sa arrival area tulad ng TERMINAL 1, 2 at 3 sa NAIA.



Mga ka-ARYA.., natatandaan pa ba ninyo na noong September 2020 ay kinasuhan ng NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) ang 19 IMMIGRATION EMPLOYEES na nakatalaga sa NAIA dahil sa tumatanggap ang mga ito ng “SUHOL” o “BRIBE MONEY” mula sa FOREIGNERS partikular ang mga CHINESE NATIONAL sa pamamagitan ng mga INTERNATIONAL TRAVEL AGENCIES tulad ng EMPIRE INTERNATIONAL TRAVEL AND TOURS na pagmamay-ari ng isang LIYA WU (kinasuhan din ito ng NBI noong mga panahong iyon).

Sa SENATE HEARING na pinangasiwaan noon ni SENATOR RISA HONTIVEROS ay binusisi ang mga IMMIGRATION EMPLOYEE sa NAIA na ikinadiskubre ang kaduda-dudang pagiging MILYONARYO ng mga ito gayong mababa naman ang tinatanggap nilang suweldo.



Inihalimbawa rito noon ang ilang BI EMPLOYEE POSITON/SALARY GRADE at ang kanilang DECLARED NET WORTH na sina ARLAN MENDOZA na ang ranggo ay IMMIGRATION OFFICER (IO) 3 ay may NET WORTH na P40,750,000 noong taong 2018 gayong ang kaniyang suweldo bilang SALARY GRADE 16 ay P39,650 monthly; si IO3 ERWIN ORTAÑEZ ay may NET WORTH na P27,968,000 noong taong 2018.., at ang SECURITY GUARD na si FIDEL MENDOZA ay may NET WORTH na P10,205,000 noong year 2016.., hehehe para rin palang BUREAU OF CUSTOMS na kahit SEKYU lang e MILYONARYO ang mga kabuhayan.

May mga kinasuhan man noon ay hindi natigil ang kurapsiyon dahil ang isang tinaguriang MOMMY TSINA ang siyang namamayagpag umano ngayon.., na ayon sa impormasyon ng ARYA BEES ay mahigit kalahating milyong piso ang ipinamumudmod nito sa lahat ng mga exit way na dadaanan ng kanilang mga kliyenteng foreigners upang malayang makapasok sa ating bansa.., hindi kaya may partikular na “sobre” para kay BI COMMISSIONER TANSINGCO hehehe o baka sadyang hindi nito alam ang galaw ng kaniyang mga pinamumunuan?



Sa isinasagawang SENATE HEARING ngayon ng KOMITE ni SENATOR HONTIVEROS hinggil sa paglobo ng CHINESE NATIONALS at sa kriminalidad na likha mula sa POGO ay nadiskubre na si BAMBAN, TARLAC MAYOR ALICE GUO ay INCORPORATOR ng BAUFO CORP subalit ibinenta na raw niya ang kaniyang shares nang pumasok ito sa POLITIKA.

Nang salakayin ang compound ng BAUFO CORP ng LAW ENFORCERS noong February 2023 at March 2024 sa ANAPUL, BAMBAN ay naroon ang POGO partikular ang HONG SHENG GAMING TECHNOLOGY INC at ang ZUN YUAN TECHNOLOGY INC na ikinatuklas pang pugante ang isang business partner nito na may warrant of arrest sa CHINA.at nang aarestuhin dito sa bansa ang kaniyang partner ay nakatakas daw.

“Hindi po ako operator, protector, or coddler po ng POGO, wala po akong kinalaman sa kanilang operation at sa kanilang gawain sa loob at labas po ng POGO,” pahayag ni MAYOR GUO sa SENATE HEARING.

Dapat lawakan pa ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan kay MAYOR GUO hinggil sa pagdami ng CHINESE NATIONAL.., o maaaring may koneksiyon din kaya ito sa maimpluwensiyang EMPIRE INTERNATIONAL TRAVEL AND TOURS o kaya ay kay MAMA TSINA?

Patutsada ng ARYA BEES.., hindi kaya ang pagdagsa ng CHINESE NATIONALS sa ating bansa ay bahagi ng “GENTLEMAN’S AGREEMENT” na kinakasangkapan dito ang tulad ng EMPIRE TRAVEL AGENCY at si MAYOR GUO?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.