Advertisers
Nasawi sa saksak ang 11-anyos na bata, at sugatan ang kapatid na babae nang pagsasaksakin ng tatay nila habang natutulog sa kanilang tahanan sa Magsaysay sa Parang, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang nasawi na si Asrap Ayob at sugatang si Bai, 14-anyos.
At ang salarin kinilalang si Adjis Sanday Ayob, ama ng mga biktima.
Kinumpirma ng hepe ng Parang Municipal Police Station, si Lt. Christopher Cabugwang, na agad naaresto ang salarin, na posibleng addict sa shabu, at nakakulong na sa detention facility.
Sa inisyal na pahayag ni Ayob sa mga imbestigador ng lokal na pulisya, biglang nawala daw siya sa kanyang sarili at nagdilim ang paningin, kumuha ng kutsilyo, at pinagsasaksak ang dalawang mga anak na natutulog sa sahig ng kanilang tahanan.
Ayon sa mga kakilala, lulong sa nakakalasing na inumin at shabu si Ayob.