Advertisers
KUMAMADA si Karl-Anthony Towns ng 23 points at 11 rebounds upang tulungan ang bisitang Minnesota Timberwolves na malagpasan ang 20-point, third-quarter deficit para patalsikin ang Denver Nuggets, 98-90, sa Game 7 ng Western Conference semifinals Linggo, Mayo 19 (Lunes Mayo 20 Manila time)
Sumulong ang Minnesota sa Western Conference finals sa unang pagkakataon sa loob ng 20 taon matapos magwagi sa Denver ng tatlong beses sa series. Ang Timberwolves ay nagwagi sa Game 7 kontra Sacramento Kings noong 2004 para marating ang conference finals.
Minnesota, ang No.3 seed, host No.5 Dallas sa Game 1 sa Miyerkules.
Jaden Mcdaniels umiskor ng 22 points at Anthony Edwards ay 6-for-24 shooting pero nagtapos na may 18 points,8 rebounds, at 7 assists para tuldukan ang Nuggets’ bid para sa pangalawang sunod-sunod na NBA title. Rudy Gobert umiskor ng 8 sa kanyang 13 points sa fourth quarter.
Nikola Jokic nag-ambag ng 34 points at 19 rebounds at Jamal Murray umiskor ng 35 points para sa Denver. ikalawang pagkakataon sa anim na season ang Nuggets ay nabigo sa Game 7 sa tahanan.