Advertisers

Advertisers

Panawagan ni Mayor Honey sa mga opisyal at residente ng Maynila, isapuso ang ‘wordings’ ng ‘Bagong Pilipinas’

0 21

Advertisers

NANAWAGAN si Mayor Honey Lacuna sa lahat ng opisyal at residente ng Maynila na isapuso ang mga salita sa “Bagong Pilipinas” oath at hymn na isinama na ng lungsod sa flagraising ceremony kahapon

Ipinaliwanag ni Lacuna na alinsunod sa Memorandum No. 52 na ipinalabas ng Malacanang, lahat ng ahensya ng pamahalaan, paaralan at lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patugtugin at i-recite ang himno at panunumpa tuwing flagraising.

“Akmang-akma ito para sa isang pagbabago na dapat isinasapuso natin para sa isang bagong Pilipinas. Kung kayo ay nakinig sa panata, ito na ang panahon ng pagabago. Kailangan nating makisabay sa bagong panahon at siyempre, ayaw nating mahuli ang ating lungsod kaya twina, sa flagraising ay lagi nating ipinapaalala ang ating mga tungkulin kung paano mapararating sa ating mga kababayan ang tapat, malinis at maayos na pamamahala,” pahayag ni bagong Bagong Pilipinas hymn at oath.



Samantala, hinimok ni Lacuna ang lahat ng pinuno ng departmento, ahensya at tanggapan sa pamahalaang lungsod ng Maynila na bigyang prayoridad ang mga programa at proyekto na direktang mabibigyang benepisyo ang mamamayan ng Maynila.

Ang panawagan ng alkalde ay ginawa matapos na si budget officer Grace Chua ay manawagan sa kanila na isumite ang panukala at wag ng palipasin pa ang mga oras



“Isipin po natin ang priorities para sa mga programa na mas marami ang makikinabang. Sana, ang pondo na nakakalap ay maayos nating magamit nang sa gayon, mas maging efficient ang serbisyo natin sa mga residente,” pahayag ni Lacuna.

Hinikayat din ng alkalde ang mga opisyal, empleyado at residente ng Maynila na makibahagi sa mga activities na nakalinya para sa selebrasyon ng ika-453 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila sa June 24, 2024.



Pinuri niya rin ang mga city officials at empleyado na binigyang pagkilala sa kanilang katapatan sa serbisyo sa mga nakalipas na taon.

Ang mga outstanding Manilans ay paparangalan para sa kanilang natatanging kontribusyon sa pag-unlad ng Maynila. (ANDI GARCIA)