Advertisers
NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 15 sa 17 crews ng isang cargo vessel na lumubog sa karagatang sakop ng bayan ng Araceli, Palawan.
Ayon kay Commander Severino Destura ng Coast Guard Station-Puerto Princesa, lulan ng cargo vessel na Lady Athena ang 17 crews nang magkaproblema ito at lumubog 3:30 ng hapon ng Miyerkules (Nov. 25).
Patungo ng Puerto Princesa City ang barko.
Patuloy namang pinaghahanap pa ang dalawang nawawalang crew ng barko na kinabibilangan ng kapitan at chief engineer.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang coast guard.
(Jocelyn Domenden)