Advertisers

Advertisers

Retiradong pulis patay sa ambush

0 253

Advertisers

LAGUNA – Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang retiradong pulis matapos tambangan ng nag-iisang salarin sa Chipeco Avenue, Barangay Halang, Calamba City.
Kinilala ni Police Lt. Col. Jonathan Villamor, hepe ng pulisya, ang biktima ns si Honorio Atienza Piamonte, 59, may asawa, dating operatiba ng CIDG 4A, ng nasabing barangay.
Sa ulat, 6:00 ng gabi nitong Miyerkules, Nob. 25, habang nagsasara ng kanilang gate si Piamonte nang lapitan ito ng gunman at pinutukan sa likuran. Mabilis na tumakas ang salarin.
Kaagad isinugod sa Pamana Hospital si Piamonte ngunit binawian din ito ng buhay.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. (DIick Garay)