Advertisers

Advertisers

Duterte ilalabas ang bagong quarantine classifications sa Nov. 30

0 183

Advertisers

NAKATAKDANG ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classifications sa bansa sa Nobyembre 30.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, may pagpupulong nitong Huwebes, November 26, ang Inter-Agency Task Force at inaasahang magbibigay ng bagong rekomendasyon kay Pangulong Duterte.
Sa ngayon, nakikita naman aniya na may pagbaba sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 at umaasang maipagpapatuloy ang ganitong trend.
Samantala, sinabi naman ni National Task Force agains COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na batay sa napagkasunduan ng Metro mayors maging ng iba pang alkalde sa ibang lugar sa bansa, kung gagawin mang modified general community quarantine ang bagong status ay pagkatapos na ng holiday season.
Nag-iingat pa rin kasi aniya ang mga local government unit para hindi sumirit ang kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang mga nasasakupan sa panahon ng Pasko. (Vanz Fernandez)