Advertisers
Nasawi ang isang SK Chairman nang magbigti sa bayan ng Sta. Maria ,Ilocos Sur nitong Linggo, Hulyo 14.
Ang biktima na 23-anyos na babae, walang asawa, residente ng naturang bayan.
Sa ulat, 2:45 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang Sta. Maria Municipal Police Station mula sa boyfriend ng biktima.
Ayon sa boyfriend ng biktima, pagdating niya sa bahay ng kanyang kasintahan nakita niyang nakabitin ito sa mismong loob ng kuwarto nito gamit ang polyethylene nylon rope.
Bago ang insidente, nag-text umano ang biktima sa kanyang bf ng “Hanak maabutanen” o “hindi mo na ako maaabutan’ kaya nagmamadali itong nagpunta sa bahay ng kanyang kasintahan.
Matapos maibaba sa pagkakabitin, agad na isinugod sa ospital ang biktimapero idineklara na itong dead on arrival ng doktor.
Base sa police report, ang lumalabas na motibo sa pagpapakamatay ng biktima ang mga hindi mabayaran na pagkakautang o unpaid debts.