Advertisers

Advertisers

Batang Kankaloo Sports Camp, inilunsad

0 4

Advertisers

Binuksan ang dalawang sports camp ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng pagsisikap ng Sports Development and Recreation Office, para sa benepisyo ng mga kabataan sa lungsod na may edad 7 hanggang 18.

Magkakaroon ang Caloocan City – North ng libreng Swimming Clinic sa ilalim ni Coach Bryan Estipona, habang ang libreng Jiu-Jitsu lessons ay isasagawa ni Coach Harvey Navarro sa South.

Nanindigan si City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na magiging isang magandang paraan ang mga sports clinics para sa mga mag-aaral na mapakinabangan ang kanilang academic break, habang nagbibigay din ng kinakailangang ehersisyo at praktikal na mga kasanayan para sa kanilang pagbuo pa rin ng pisikal at mental na kakayahan.

“Ikinagagalak ko pong ibahagi sa ating mga kabataan na tuloy tuloy po ang pagsasagawa ng Batang Kankaloo Sports Camp. Sa mga magulang po, huwag nating sayangin ang pagkakataong ito habang nasa bakasyon pa ang marami sa ating mga mag-aaral, lalo na at mas mainam po ang mga aktibidad na ituturo rito upang mabawasan na rin ang oras na ginugulo ng mga bata sa kanilang mga gadget,” wika ni Mayor Along.

“Sa tulong ng mahuhusay nating coaches, tiyak din ako na maraming matututunan ang mga bata at mabibigyan sila ng pagkakataon na matugunan ang kanilang passion para sa sports,” dagdag ni Mayor Malapitan.

Muli rin pinagtibay ni Mayor Along ang layunin ng lungsod na mapanatili ang pagiging isang child-friendly na lungsod at nangakong ipagpatuloy ang pagsisikap nito na magpatupad ng higit pang mga programa na naglalayong suportahan ang mga karapatan at interes ng mga kabataan.

“Lagi ko pong sinasabi, ‘Sa Caloocan, walang batang maiiwan,’ kaya po asahan niyong mas pagtitibayin pa natin ang ating mga programa para protektahan ang kabataan laban sa mga abuso at tulungan silang maging responsableng mamamayan pagtanda nila,” pahayag pa ni Mayor Along.

Bukod sa swimming at Jiu-Jitsu, nagsagawa rin ng libreng lessons para sa mga interesado sa basketball at tennis.(BR)