Advertisers
PUNONG-PUNO ng kasiyahan ang makulay na paligsahan mula sa 20 Barangays na nakibahagi sa ika-17th WaterLily Festival na may temang “ Sayaw Kabataan Para sa Kalikasan “ na ginanap sa Villar Coliseum, Las Piñas City noong Martes, August 6,2024.
Ang pagdiriwang ngayong taon ng Las Piñas Waterlily Festival ay nagpapatibay sa pangako ng mga residente ng Las Piñas na pahalagahan at pangalagaan ang kapaligiran, ayon kay Sen. Cynthia Villar.
Sinabi ni Villar, na nagsimula ang pagdiriwang noong 2005, na ang taunang kaganapan ay hindi lamang isang selebrasyon o isang lugar oara sa mga pinakamahusay na performers ng lungsod,kundi isang pagkilala sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.
Ibat-ibang disenyo ng kasuotan mula sa produkto ng waterlily ang ginamit ng mga participants patunay na hindi dapat ipawalang-bahala ang pangangalaga sa kapaligiran tulad ng waterlily na napapakinabangan ngayon sa lungsod.
Kabilang sa mga nakibahagi sa tradisyunal na pagdiriwang ang mga Barangay ng BF International, CAA, Zapote , Pilar, Pamplona 2 at 3, Pulang Lupa 1 at 2, Elias Aldana , Daniel Fajardo, Manuyo 1 at 2, Talon 1,2,3,4,5 , Almanza 1,2 at Ilaya
Sa kabila nito, pinuri ni Villar ang pagsisikap ng Las Piñeros sa rehabilitasyon ng Las Piñas Rover sa pamamagitan ng Sagip Ilog Program, isang inisyatiba na sinimulan niya noong siya ay kongresista ng Las Piñas.
Ang naturang pagdiriwang ay handog nina Senator Cynthia Villar, Sen. Mark Villar at Congresswoman Camille Villar para sa mga residente ng lungsod. (JOJO SADIWA with Photos by CESAR MORALES)



