Advertisers
Ni Rommel Placente
DUMALO kami sa huling pagpapalabas ng mga kalahok na pelikula sa Cinemalaya 2024 sa Ayala Mall Manila Bay nitong Sabado. Closing film ang classic movie ng yumaong si Direk Lino Brocka na Bona, na pinagbidahan ng National Artist na si Nora Aunor, katambal si Phillip Salvador.
Ang Bona ay isa sa mga pelikulang kalahok noong 1980 sa MMFF.
Apat na sinehan na sabay sabay pinalabas ang restored 4k version ng Bona. At present doon sina Ate Guy at Ipe.
Nakakatuwa si Ate Guy, dahil kahit may sakit ito, in fact ay naka-wheelchair ito nang dumating sa sinehan, ay talagang naglaan siya ng oras para puntahan ang pagpapalabas ng kanyang pelikula.
At nakakatuwa rin ang mga Noranians, dahil ipinakita nilang muli ang pagmamahal nila sa kanilang idolo dahil nanood/sinuportahan nila ang Bona.
At after ng pelikula ay standing ovation sila at nagpalakpakan.
Ilang beses na naming napanood ang Bona sa telebisyon. At kaya namin muling pinanood ito thru the invitation ng aming kaibigang si Rodel Fernando ay dahil gusto namin ang pelikula. Simple lang ang istorya nito pero talagang maganda. At mahusay dito si Ate Guy.
Masasabi namin na ang Bona ang isa sa pinakamagandang pelikula na nagawa ni Ate Guy.
At ang gaanda-ganda niya sa movie, huh!
***
SA katatapos lang na Cinemalaya 20 awards night na ginanap noong Linggo ng gabi, Agosto 12 sa Ayala Malls Manila Bay ay tie bilang Best Actress sina Marian Rivera para sa Balota at Gabby Padilla para sa Kono Basho.
Si Marian ay kinilala para sa kanyang pagganap bilang teacher na nanindigan sa gitna ng dayaan sa eleksyon sa Balota, at si Gabby naman bilang anthropologist na pumunta sa Japan para sa funeral ng kanyang Japanese father sa Kono Basho.
Ang child actor na si Enzo Osorio ang tinanghal naman na Best Actor para sa kanyang pagganap bilang deaf boy na inabuso ng pari sa The Hearing.
Best Full-length Film ang regional film na Tumandok.
Best Director si Jaime Pacena para sa Kono Basho.
Best Supporting Actress si Sue Prado para sa Kantil at Best Supporting Actor si Felipe Ganancial para sa Tumandok.