Advertisers

Advertisers

Marian waging best actress sa Cinemalaya 20

0 17

Advertisers

Ni Archie Liao

INANUNSYO na ang mga nagwagi sa ika-20 edisyon ng Cinemalaya sa awards night na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay kamakailan.

Nagsilbing host ang magaling at premyadong actor na si JC Santos.



Wagi si Marian Rivera sa kanyang kauna-unahang Cinemalaya movie na “Balota” ni Kip Oebanda kung saan ginagampanan niya ang papel ni Teacher Emy na handang isugal ang buhay para lamang maprotektahan ang kasagraduhan ng balota.

Ka-tie ng Kapuso Primetime Queen sa naturang kategorya si Gabby Padilla na binibigyang buhay ang papel ng isang anak na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang amang Hapon sa pelikulang “Kono Basho.”

Panalo naman bilang best actor ang child actor na si Enzo Ozorio na napansin ng mga kritiko sa kanyang pagganap bilang isang piping naging biktima ng sekswal na pang-aabuso sa “The Hearing.”

Itinanghal na best supporting actress si Sue Prado para sa kanyang pagganap bilang community leader ng informal settlers sa “Kantil.”

Nag-uwi ng tropeo bilang best supporting actor si Felipe Ganancial para sa kanyang pagganap bilang chieftain ng displaced Atis para sa pelikulang “Tumandok.”



Tinanghal namang best film ang regional film na “Tumandok” nina Richard Jeroui Salvadico at Arlie Sweet Sumagaysay.

Waging best director ang first time director na si Jaime Pacena II para sa “ Kono Basho.”

Iginawad naman ang Cinemalaya 20 Special Jury Award for Full-length Film category sa “Alipato at Muog” ni JL Burgos.

Ang Audience Choice Award for Full-length Film ay Gulay Lang, Manong.

Samantala, ang mga nanalo sa Short film category ay ang mga sumusunod:
– Best Short Film: Cross My Heart and Hope to Die ni Sam Manacsa
– Audience Choice Award for Short Film: Primetime Mother ni Sonny Calvento
– Cinemalaya 20 NETPAC Award for Short Film: Abogbaybay ni P.R. Monencillo
– Best Screenplay award for Short Film: Sonny Calvento(Primetime Mother
– Cinemalaya 20 Special Jury Award for Short Film: Pamalandong sa Danow ni Breech Asher Harani