Advertisers

Advertisers

Clinical lab, ecg at ultrasound pwede na sa 44 health centers sa Maynila – Mayor Honey

0 17

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na may bagong libreng karagdagang serbisyo na inaalok 44 health centers na nakakalat sa anim na distrito ng lungsod bukod pa sa karaniwang serbisyo na binibigay sa mga residente. Kasabay nito ay sinabihan ng alkalde ang lahat ng mga barangay authorities na hikayatin ang lahat ng kanilang nasasakupan na samantalahin ang nasabing serbisyo.

Sinabi ni Lacuna na ang mga bagong karagdagang serbisyo ay kinabibilangan ng clinical laboratories, ECG at ultrasound para sa pregnant women at ito ay maliban pa sa pinamimigay na libreng metformin, losartan at iba pa.

Nabatid sa Manila health department chief Dr. Arnold Pangan na hindi na kailangan pa ng online appointment system para sa consultations at ang health centers ay bukas na mula 7 a.m. hanggang 6 p.m. Lunes hanggang Biyernes.



Sinabi ni Pangan na habang ini-entertained ang mga walk-ins ang mga nag-register online para sa appointment ay asikasuhin din. Ang dahilan naman ng online appointment ay para magkaron ng advance file ang health authorities ng isang pasyente para sa mas mabilis na proseso sakaling kailanganin ito.

Dahil dito ay inaanyayahan ni Lacuna ang mga residente na health centers upang malaman ang mga libreng primary health care services na inaalok nito.



Binanggit din ni Lacuna na isa ring propesyunal na doktor, ang kahalagahan ng pagbisita sa mga health centers at pag-a- avail ng libreng check-ups nang hindi na hinihintay na magkasakit pa.

“Prevention is always better than cure. Tangkilikin ninyo ang ating mga health centers. Pabakunahan po ninyo ang inyong mga anak, apo o alaga,” giit nito.



“‘Wag na po kayong makipagsiksikan sa ospital, kng matutugunan ng health center ang inyong problema. Sila po ang magssabi kung kailangang sa ospital kayo magpunta,” dagdag pa ng alkalde.

Sa mga ganitong kaso, sinabi ni Lacuna na ang mga health center na concerned ang siyang magre-refer sa pasyente sa pinakamalapit na ospital. (ANDI GARCIA)